Ito ang unang beses na susulatan ko ang blog ko... matagal tagal ng ginawa to ni ayen saken... pero ngayon ko lang susulatan... at kalungkutan pa ang pumasok sa utak ko para sulatan to....

 Anyways... i would like to share a story.. Kwentong di ko alam kung ikasasaya ko.. Or ikalulungkot ko... baket?.. Kase ganito...

Sabi nila... You'll never know when love comes in your life... Tama... kaya pag dumating sa buhay mo hindi mo mapigilan... gustuhin mo mang pigilan... hindi mo magawa... dahil PUSO ang pinaiiral mo at hindi ang utak...

January 21st... Nakilala ko ang isang babaeng sa una ay hindi ko inisip na mamahalin ko pala... Magkaibigan kame.. kakulitan ko sya.. kabiruan.. at habang tumatagal... dun ko nadama na may feelings ako sa kanya.. Sinabihan ako ng Ina ko(Mama Joy).. "Siguraduhin mo muna anak na totoo yang nararamdaman mo.. ayusin mo muna ung problema nyo ng GF mo bago ka magsimula sa kanya "...

OO may gf ako nung time na yun.. sabihin nyo nang hindi tamang mahulog sa ibang tao ng may karelasyon ka.. pero hindi ko kasalanan. Walang time sakin ang gf ko.. kaya nabaling sa iba ang atensyon ko..

So anyways.. January 30th... Nagdecide akong iwanan ung gf ko.. at ibaling ung atensyon ko sa babaeng nakilala ko.. Hindi naging mahirap sakin na kalimutan ung GF ko dahil unang una... bago lang kame... pangalawa... bihira kami magusap... pangatlo.. wala syang time saken... at higit sa lahat.. wala syang pake saken...

So nung araw na yun... January 30th kinausap ko ang Ina ko... At sinabi kong liligawan ko sya.. Sabi ng nanay ko..."Bahala ka anak...basta wag mo ibuhos lahat"...

Dumaan ang mga araw... hindi ko natupad ung pangako ko sa nanay kong wag ko ibuhos ang lahat ng pagmamahal ko.. dahil every single minute na magkausap kami... lalo akong nahuhulog sa kanya... February 2nd.. May ginawa akong kanta... at ang title ay "Prinsesa ko"...

OO para sa kanya yun.. wag na kayo magtanong.. Binigay ko sa kanya... pinakinggan nya... at syempre nagustuhan nya.. Nagbaka sakali akong makamit ko na ung sagot nya... pero mali ang inakala ko...dahil hindi pa sya handa...

Buhay nga naman... mahirap magmahal sa taong hindi pa handang mahalin ka... Pero hindi ako sumuko... nanatili akong matatag... sa kabila ng bilang ng mga manliligaw nya... hindi ako bumitaw... nagisip ako ng positive... na mapapasakin sya...

bago ko ituloy... marahil kayo'y nagtataka kung ano nagustuhan ko sa kanya... ok... heto...

Una...Mabait sya... Pangalawa... Malambing sya... Pangatlo... Tanggap nya kung ano ang pagkatao ko... Pang-apat.. Maaalalahanin sya... hindi nya nakakalimutang kamustahin ako.. at higit sa lahat.. kaya ko sya nagustuhan dahil... Sa kanya muling tumibok ung puso ko...

Ok..pagpatuloy natin... February 5th.. Lasing ako.. Nagkaron ako ng lakas ng loob na tapatin sya... pero ganun pa rin... hindi sya sumagot... Pero maya maya sinabi nya.."Lika Usap Tayo".... bigla akong napangiti... nasabi ko sa sarili ko... "Sana eto na".. So nag usap kami... Nagpasalamat sya sa sobrang kabaitan na pinapakita ko sa kanya... sa mga efforts na nakikita nya... at sa pagmamahal... ngayon... ok na sana... kaso may kadugtong... at ang kadugtong ay.....

"Wag ka sana masyadong ma fall sakin..." "Hindi pa kasi ako ready eh"...yan ang sinabi nya... sa totoo lang nung narinig kong sinabi nya yan... hindi ako nakapagsalita... napatigil ako... at sumagot na lang ako ng..."Ok sabi mo eh.."

Pero hindi natapos dun ang lahat... patuloy kami sa kulitan, tawanan, at lambingan... pero umaasa pa rin ako na madagdagan ng PAGMAMAHALAN... ng higit pa sa magkaibigan... Take note: AKO LANG ANG NAKAKAPAGPATAWA SA KANYA NG TODO"...

ngayong araw na ito.... February 8th... kasalukuyan kong sinusulat to... at sa unang bahagi ng blog na ito ay nasabi kong... di ko alam kung ikasasaya ko or ikalulungkot ko... siguro alam nyo na ang sagot....

Ikinasasaya ko dahil nanjan sya palagi para sakin... ngunit Nalulungkot rin ako dahil sa kabila ng paglago ng pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko pa rin sya makamit...

pero nananatili akong solido... at hindi sumusuko.....baket?... KASE MAHAL KO SYA.... handa akong maghintay....

SIGURO SA MGA ORAS NA ITO AY BINABASA RIN NYA TONG BLOG KO... SO MAGIIWAN AKO NG MENSAHE...

Maria Christina Isabela Remedios Mendoza.......Alam ko na alam mong ikaw lang ang nagpasaya sakin ng ganito... ikaw lang ang nagbukas ng puso ko para sa bagong mundo... at ikaw lang ang nagiisang laman ng puso ko... naks... ang drama.. pero di nga... seryoso ako... maghihintay ako camille.... at di ako magsasawang gawin ang lahat para lang mapadama sayo na mahal kita.... alam kong balang araw ay matututunan mo rin akong mahalin...Salamat at dumating ka sa buhay ko... kahit hindi pa tayo....

Take note: kita mo yan princess ko ha... kabisado ko pa ang dates... ikaw nga di mo na yata alam yan... pero ok lng... ang mahalaga ay nasabi ko ang gusto kong sabihin...

salamat sa mga nagbabasa ngayon... at gusto ko lang malaman nyo...

NA INLOVE AKO.... SA PRINSESA KO...

--habang sinusulat ko ang blog na ito... ako ay nakikinig sa awiting....

    PANALANGIN

Currently listening to: PANALANGIN
Currently feeling: WAITING FOR HER...
Posted by spadeone on February 9, 2009 at 03:17 AM | 2 comments

test lang.

pogi may ari neto.

Posted by spadeone on October 7, 2008 at 01:25 AM | Add a Comment
« Newer · Older »